Home METRO Tanod, isa pa huli sa acts of lasciviousness

Tanod, isa pa huli sa acts of lasciviousness

101
0

MANILA, Philippines – DALAWANG lalaki na kapwa wanted kasong Acts of Lasciviousness kabilang ang 32-anyos na barangay tanod ang tiklo sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Navotas Cities.

Ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, Patrol Base 3 at Women and Children Protection Desk sa ilalim ng pangangasiwa ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela ang pagtugis sa wanted na barangay tanod.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner at bitbitin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 9, Navotas City, alas-1:40 ng hapon sa Brgy., Sipac Almacen, Navotas City para sa kaong Acts of Lasciviousness.

Sa hiwalay na operation, nakorner din ng mga tauhan ni Col. Pinuela ang 21-anyos na supermarket worker na residente ng Barangay NBBS Kaunlaran sa Sangandaan, Caloocan City.

Dinakip ang akusado sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Family Court, National Capital Judicial Region, Branch 9, Navotas City, para din sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here