MANILA, Philippines – Nagsagawa ng Rosary of Peace ang Diocese of Virac bilang pakikiisa sa panawagan ngli Pope Leo XIV para sa isang sama-samang panalangin ng Simbahan sa gitna ng umiigting na tensyon at kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ayon kay Virac Bishop Luisito Occiano, ito ay para higit pang mapalakas ang pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig.
Hinimok ng Obispo ang lahat na parokya at simbahan na mag-organisa ng prayer vigil.
Paliwanag ng Obispo, mahalaga ang pagkakaisa ng Simbahan sa panalangin, lalo na sa pagninilay sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Kristo bilang pinagmumulan ng pag-asa at kapayapaan sa sanlibutan.
Hiniling din ni Bishop Occiano ang pakikiisa ng lahat ng parokya, relihiyosong komunidad, at mga layko upang matiyak ang malawak na pakikilahok sa gawain ng pananalangin at pakikiisa ng buong Simbahan.
“Let us unite in prayer, reflecting on the power of Christ’s resurrection and the urgency of peace in our world. May our collective cry for peace resound across the globe. I kindly request that you communicate this invitation to all parishes, religious communities, and lay faithful, encouraging broad participation in this important moment of ecclesial unity and intercession,” dagdag pa ni Bishop Occiano. Jocelyn Tabangcura-Domenden