MANILA, Philippines – Sumuko sa mga awtoridad si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga nitong Lunes ng gabi matapos maglabas ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court Branch 147 kaugnay ng kasong cyberlibel.
Sumuko si Barzaga kay Police Lt. Colonel Mac Arthur Mercader, officer-in-charge ng Dasmariñas Component City Police Station, alas-6:59 ng gabi.
Batay sa kopya ng warrant, nahaharap si Barzaga sa walong bilang ng cyberlibel. Itinakda ang piyansa sa halagang P48,000 para sa bawat bilang.
Nagpiyansa si Barzaga alas-10:25 ng gabi at kalaunan ay nakalaya rin. RNT