BULACAN, Philippines – Arestado ang 19 indibiduwal nang mahulihan ng P100 milyong halaga ng iligal na sigarilyo sa operasyon ng pulisya sa lungsod ng Baliwag nitong Abril 14.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO3), bandang 6:00 ng umaga ay naaresto ang 19 indibiduwal habang nagdidiskarga ng iligal na sigarilyo mula sa container van patungo sa mga delivery trucks sa Brgy. Tarcan.
Ayon sa ulat, ang operasyon ay pinangunahan ng Regional Special Operations Group 3, in coordination with CIDG Bulacan Provincial Field Unit and Baliwag police station.
Nakumpiska sa operasyon ang nasa 2000 boxes ng sigarilyo nang walang Bureau of Internal Revenue Tax Stamps , indicating non payment of excise taxes na paglabag sa RA 8424, RA 10643 at RA 12022.
Kabilang din sa nasamsam ang anim na sasakyan gamit sa disyribusyon ng iligal na sigarilyo.
Nasa kustodiya ng RSOG3 ang 19 indibiduwal at mga ebidensya para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.
Sinasabing patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridas para mahuli ang mga personalidad na nasa likod nito. (Dick Mirasol III)