Home NATIONWIDE Importer accreditation, pinalawig ng BOC sa 3 taon

Importer accreditation, pinalawig ng BOC sa 3 taon

109
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Bureau of Customs (BOC) ang validity ng importer accreditation mula isang taon patungong tatlong taon upang mapabilis ang pagpasok ng mga produkto sa bansa at mabawasan ang red tape.

Sa ilalim ng Customs Administrative Order (CAO), ibinaba rin ang accreditation fee sa P5,000 para sa tatlong taon, mula sa dating P2,000 kada taon o P6,000 sa loob ng tatlong taon.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, “By extending the validity of importer accreditation, we are reducing red tape and enabling a more efficient trade system that can meet growing consumer demand and support local industries.”

“This reform allows businesses to focus more on operations and growth rather than administrative requirements,” dagdag niya.

Kailangan pa ring magsumite ng annual reportorial compliance (ARC) ang mga importer sa loob ng 30 araw mula sa kanilang accreditation anniversary. Maaari namang mag-qualify sa automatic renewal ang mga tuloy-tuloy at compliant sa loob ng anim na taon.

Ayon sa BOC, umabot sa P239.054 bilyon ang kanilang nakolektang kita sa unang tatlong buwan ng taon, na lampas sa target ng 1.3%. Target naman ng ahensya na makalikom ng P1.013 trilyon para sa 2026. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here