Pinangunahan ni Senador Risa Hontiveros, tagapangulo ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, kasama si Senador Imee Marcos, ang isang pampublikong pagdinig tungkol sa diumano’y maling paggamit ng online gaming platform na Roblox.
Ang pagdinig na ginanap sa Senado sa Lungsod ng Pasay nitong Martes, Abril 14 ay nakatuon sa pagtugon sa mga digital na banta ng laro, habang sinisiyasat ang mga hakbang tulad ng mandatoryong beripikasyon ng edad at mas mahigpit na mga pamantayan sa proteksyon ng mga bata. CESAR MORALES