MANILA, Philippines – Buong pusong kinilala ni Senador Mark A. Villar ang mahalagang papel ng mga kabataan sa paghubog ng bansa matapos niyang parangalan ang mga mag-aaral na nagtapos mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng Mark Villar Leadership Awards. Kinikilala sa parangal na ito ang mga estudyanteng nagpakita ng natatanging pamumuno, pananagutan, at paglilingkod sa kanilang mga paaralan.










