Home METRO Sunod-sunod na “fuel-and-run” ng isang SUV driver, tinuligsa ng LTO-NIR

Sunod-sunod na “fuel-and-run” ng isang SUV driver, tinuligsa ng LTO-NIR

92
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Kinondena ng Land Transportation Office (LTO)–Negros Island Region ang dalawang insidente ng “fuel-and-run” sa Bacolod City, Negros Occidental at Talisay City, Negros Occidental na kinasasangkutan ng iisang SUV.

Ayon kay LTO-NIR Director Jeck Conlu, “We will hunt you down,” bilang babala sa suspek.

Noong Abril 15 sa Barangay Taculing, tumakas ang driver ng Nissan Terra matapos hindi bayaran ang ₱6,000 na gasolina sa isang gasolinahan. Naglabas na ng show cause order laban sa may-ari ng sasakyan, habang inaalam pa kung sino ang nagmamaneho nito.

Nakikipag-ugnayan ang LTO-NIR sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy at maaresto ang suspek, at sinabing sasampahan ito ng kaukulang kaso.

Ayon sa imbestigasyon, may pattern ang mga insidente at itinuturing itong sinadyang at paulit-ulit na krimen.

Hinimok din ng LTO-NIR ang publiko, lalo na ang mga gas station operators, na maging mapagmatyag at agad i-report ang kahalintulad na insidente.

Matatandaang noong Pebrero 27, may naitalang kaparehong insidente kung saan tumakas ang isang SUV driver matapos hindi bayaran ang ₱500 na gasolina sa Barangay Mansilingan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here