Home METRO Apo, tinaga sa ulo ni lolo

Apo, tinaga sa ulo ni lolo

87
0

ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang isang 88-anyos na lolo matapos nitong tagain sa ulo ang kanyang 30- anyos na apo sa bayan ng Bantay ng lalawigang ito nitong Martes ng gabi, Abril 21.

Ayon sa Bantay Municipal Police Station, nagpunta ang biktima sa bahay ng suspek.

Nang kumatok ang biktima ay hindi ito pinansin ng suspek.

Gayunman, pinuwersa ng biktima ang pintuan ng bahay ng suspek hanggang sa mabuksan niya ito.

Pagpasok ng biktima sa loob ng bahay ay agad siyang tinaga ng suspek.

Nagtamo ng sugat sa kanyang ulo ang biktima na agad namang naisugod sa Ilocos Sur Provincial Hospital.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang 7:00 ng umaga ng Martes ay nagkaroon ng pagtatalo ang maglolo.

Ito ay matapos umanong sirain ng suspek ang mga bonsai plant ng biktima. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here