Home NATIONWIDE 7 kadete ng PNPA, 2 pulis mahaharap sa reklamong kriminal sa insidente...

7 kadete ng PNPA, 2 pulis mahaharap sa reklamong kriminal sa insidente ng hazing

77
0

MANILA, Philippines – Naghain ng kriminal na reklamo laban sa pitong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) at dalawa pang pulis na may kaugnayan sa insidente ng hazing sa institusyon, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Abril 22.

Kabilang sa mga akusadong kadete ang limang third class cadets at dalawang second class cadets, ayon sa kumpirmasyon ni PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf TuaƱo.

Kasama rin sa reklamo ang dalawang pulis na tinukoy bilang isang police commissioned officer at police non-commissioned officer.

Ang mga respondents ay sinampahan ng reklamong paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018.

Mahigit 20 fourth class cadets ang nagtamo ng pinsala sa katawan sa insidente ng hazing na nangyari mismo sa akademya noong Abril 3.

Nagtamo ang mga ito ng paso at injury matapos ma-expose sa pinaghalong drain cleaner at muriatic acid.

Tatlong suspek na ang unang naaresto habang apat na suspek pa ang natukoy.

Kasunod ng insidente, ni-relieve sa pwesto ang director ng PNPA at walo iba pang pulis.

Nakita sa initial findings na ang hazing ay nag-ugat sa internal issue sangkot ang isang kadete na nagbalak mag-resign at pinarusahan ang underclassmen matapos masisi sa sitwasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here