Home NATIONWIDE Embahada ng Pilipinas sa Paris: Zaldy Co ‘di maaaring arestuhin sa France

Embahada ng Pilipinas sa Paris: Zaldy Co ‘di maaaring arestuhin sa France

108
0

PARIS, France – Sinabi ng Philippine Embassy sa Paris na may matibay na dahilan ang pamahalaan para maniwalang nasa France si Zaldy Co at posibleng may mga ari-arian doon, ngunit wala silang kapangyarihan na imbestigahan o arestuhin siya.

Ayon kay Ambassador Eduardo de Vega, wala pang kumpirmadong sighting kay Co sa bansa, ngunit may mga impormasyon na nasa France siya at umano’y naghahanap ng asylum.

“Although, as the Secretary said, we have strong reason to believe he’s here… but he’s not been sighted there either,” ani De Vega.

Ipinaliwanag niya na hindi maaaring magsagawa ng surveillance ang mga opisyal ng Pilipinas sa France dahil labag ito sa batas at soberanya ng bansa. “We cannot act like we were private investigators here… we would be infringing on the sovereignty of France,” aniya.

Dagdag pa niya, tanging awtoridad ng French government ang may kapangyarihan sa imbestigasyon at hindi rin basta-basta kinukumpirma ng France ang impormasyon dahil sa privacy laws.

“Although, may warrant of arrest… So, it has to be done through the host government, maybe through Interpol,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni De Vega na kahit makita si Co ng embassy officials o Filipino community, wala pa rin silang kapangyarihang arestuhin ito.

“Even if he shows up at the embassy, we can’t just simply arrest him,” aniya.

Idinagdag pa niya na posibleng may asylum request si Co, kaya dumadaan sa legal na proseso sa France ang anumang hakbang kaugnay sa kanya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here