Home HOME BANNER STORY GINHAWA Bill, ikinasa ni Gatchalian sa pagpapataas ng take-home pay ng middle...

GINHAWA Bill, ikinasa ni Gatchalian sa pagpapataas ng take-home pay ng middle class

78
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Win Gatchalian ng agarang pagsasabatas ng panukalang “GINHAWA” o ang Granting Increase in Take-Home Pay for All Working Filipinos Act upang maitaas ang kita ng middle class.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, kailangan tulungan din ng pamahalaan ang middle class na makasabay sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sanhi ng paglobo ng halaga ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Aniya, layunin ng GINHAWA Bill na mapataas ang take-home pay ng middle class sa pamamagitan ng  pagtaas ng income tax exemption threshold sa P400,000 kada taon mula P250,000.

Sinabi ng mambabatas na  magbibigay ito ng malaking ginhawa para sa mga manggagawang PIlipinong nasa middle class.

Layon din ng panukala na itaas ang limitasyon ng tax-free bonuses sa P150,000 mula sa kasalukuyang P90,000.

“Kailangan din ng middle class ng tulong para maibsan ang pasakit na dulot ng mataas na presyo ng langis at mga bilihin. Ang middle class ang nagsisilbing lifeblood ng lokal na ekonomiya na nagpapasigla sa domestic consumption at malaki ang ambag sa kita ng gobyerno,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Finance Committee at PROTECT ad hoc panel.

Layon din ng panukalang ito na alisin ang buwis sa mga service charge na natatanggap ng mga manggagawa sa sektor ng serbisyo, gayundin sa mga karagdagang bayad tulad ng overtime pay, holiday pay, night shift differential, hazard pay, at maging sa mga honoraria at allowance ng poll workers. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here