Home ENTERTAINMENT Margaret, binansagang Bagong Pantasya ng Bayan!

Margaret, binansagang Bagong Pantasya ng Bayan!

155
0
Screenshot

Manila, Philippines – Petmalu ang kaseksihan at pagiging daring ni Margaret Diaz sa latest VMX movie niya na pinamagatang “Barurot 2” na napapanood na ngayon sa nasabing streaming app.

Base sa mga nakapanood na, nagpatikim ng matinding pampagana sa pelikulang ito ang hot na hot na sexy actress.

Aniya, “I would say po na talagang umalis po ako sa comfort zone ko. Kasi, kung sa mga naunang movies ko po ay wild ang napanood sa akin, siguro mas wild na wild po si Maya rito, yung character ko po sa movie.

“Kasi, hindi ko ine-expect na magiging ganoon ka-wild iyong mga intimate scenes na gagawin ko rito. Talagang hindi siya komportable, pero it’s something new na ginawa ko… na mapapanood po ninyo sa movie na ito,” nakangiting paniniyak pa ng sexy actress.

Kuwento pa ni Margaret ukol sa kanilang movie. “Ang story po nito, about po kasi ito sa buhay ng mga tricycle drivers, like kung paano sila nai-in love po. And from the word barurot po, ayon po iyong harurot, in other term. Iyong barurot naman po, parang slang naman na parang may multiple partners po si Barurot King na si JC Tan, na nagpo-portray po sa character ni Marco.

“Sa movie po namin, may drama rito at love story na mapapanood nila, iyon po ang story line ng movie. Hindi lang po mga intimate scenes ang aabangan nila sa movie namin, talagang na-execute ito nang maayos at maganda and exciting po yung mga characters po rito nina Maya, Ralph, at Marco.”

Aminado naman si Margaret na may pressure sa part niya ang bansag na Bagong Pantasya ng Bayan sa kanya.

“Grabe! Ang bigat po ng title na iyon, pero ang masasabi ko lang, mas wild si Margaret Diaz sa Barurot 2,” nakatawang bulalas ng magandang sexy actress na talent ni Ms. Len Carrillo.

Wika pa niya, “Siyempre nape-pressure po ako, pero hindi naman to the point na parang nagkakaroon ng negative impact sa akin.

“Pero sina direk po – sina Direk Roman at direk Quiel Dela Cruz, sa movie po na ginawa namin ngayon (Barurot 2), talagang inalis po nila ako sa comfort zone ko.

“Hindi ko talaga ine-expect na ganoon kalala iyong mga love scene, pero nag-intimate pa rin po talaga. Pero talagang walang-wala iyong mga naipakita ko sa movie na ito, sa mga previous movies ko po,” pakli pa ni Margaret. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here