Home METRO Sunog sumiklab sa Kyusi; 5 negosyo, natupok

Sunog sumiklab sa Kyusi; 5 negosyo, natupok

81
0

MANILA, Philippines – Limang commercial establishments ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay Holy Spirit, Quezon City madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, nagsimula ang sunog bandang 4:45 a.m. sa Don Antonio Drive sa Barangay Holy Spirit.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing establisimyento dahil sa mga light materials na gamit sa loob ng mga gusali, ayon sa ulat.

Kabilang sa mga naapektuhan ang tatlong kainan, isang pet shop, at isang botika. Ayon sa mga awtoridad, umabot sa second alarm ang sunog pagsapit ng 4:57 a.m., at humigit-kumulang 30 fire trucks ang rumesponde.

Idineklarang fire out ang sunog bandang 5:45 a.m., ngunit nakaranas ng hirap ang mga bumbero sa pag-apula dahil sa mga madaling magliyab na materyales.

Ayon kay Fire Senior Inspector Reinhard Baldovino ng Quezon City Fire District Station 2, “Pagdating namin, malakas na yung apoy. So doon kami nahihirapan kasi naturingan siyang komersyal tapos puro light materials ang gawa sa loob.”

May mga naiulat ding pagsabog mula sa mga tangke habang isinasagawa ang firefighting operations.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at kung saan ito nagsimula, habang tinatayang malaki ang pinsala sa mga establisimyento, kabilang ang pagguho ng ilang bubong. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here