Home TOP STORIES Trump: Kasunduan sa Iran, ‘very possible’ ngunit panibagong pag-atake, ibinabala kung…

Trump: Kasunduan sa Iran, ‘very possible’ ngunit panibagong pag-atake, ibinabala kung…

84
0

WASHINGTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump na “very possible” ang isang kasunduan sa Iran, ngunit nagbabala rin siya na maaaring muling bombahin ang bansa kung mabibigo ang negosasyon.

Sa kabila ng pagiging positibo ni Trump, wala pang tugon ang Iran sa bagong proposal ng US. Ayon sa chief negotiator nito, tinatangka umano ng Washington na pilitin ang “surrender” ng Islamic Republic.

Ayon kay Trump, kung “Iran agrees to give what has been agreed to,” matatapos ang digmaan, ngunit kung hindi, ipagpapatuloy ang pambobomba “at a much higher level and intensity.” Dagdag pa niya, nagkaroon ng “very good talks” at posibleng maabot ang kasunduan.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng foreign ministry ng Iran na nasa ilalim pa ng pagsusuri ang US proposal at ipapaabot ang posisyon nito sa pamamagitan ng mediator na Pakistan.

Ayon kay Mohammad Bagher Ghalibaf, speaker ng Iranian parliament, ginagamit umano ng US ang naval blockade, economic pressure, at media manipulation upang pilitin ang Iran na sumuko.

Kasabay nito, iniulat na pansamantalang itinigil ng US ang military operation kaugnay ng Strait of Hormuz matapos ang senyales ng posibleng kasunduan. Ayon sa US, may progreso rin sa usapan na posibleng magbukas muli ng mahalagang rutang pandagat.

Iniulat din na nagkaroon ng usapang diplomatiko sa pagitan ng Iran at China, habang umaasa naman ang Pakistan na mauuwi ito sa “durable peace.”

Sa kabila ng tensyon, nag-rally ang stocks sa US dahil sa pag-asa sa breakthrough sa negosasyon.

Gayunman, patuloy ang kaguluhan sa ibang bahagi ng rehiyon. Sa Lebanon, iniulat ang pag-atake ng Israel sa Beirut na ikinamatay ng isang mataas na opisyal ng Hezbollah at iba pang sibilyan.

Patuloy pa rin ang pangamba ng mga residente sa posibilidad ng mas malawak na digmaan habang hindi pa rin tiyak ang resulta ng US-Iran negotiations. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here