Home NATIONWIDE DILG kumpiyansang makukuha si Zaldy Co bago matapos asylum application

DILG kumpiyansang makukuha si Zaldy Co bago matapos asylum application

64
0
Kumpiyansa si DILG Secretary Jonvic Remulla sa kanyang pahayag na makukuha at maibabalik sa bansa ang wanted na si Rep. Zaldy Co, Umaasa na pagbibigyan ng Interpol ang hiling na Red Notice sa ginanap na pulong balitaan sa Rizal hotel Park sa Maynila. ERIC OCAPAN

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na makukuha at maibabalik si dating Rep. Zaldy Co sa bansa.

Sa Kapihan sa Samahang Plaridel nitong Biyernes, Mayo 8, sinabi rin ng kalihim na kumpiyansa silang makakakuha rin ng red notice dahil ito lamang aniya ang tanging pag-asa na meron ang Pilipinas.

“I’m confident, will get the red notice and I’mconfident we gonn get Zaldy Co back here in the Philippines.”

Ayon kay Remulla, nakaraang September 2025 pa sila nag-apply ng red notice pero hindi pa ito pinagbibigyan ng interpol sa France.

Nang tanungin kung mapapawalang saysay na ba ang red notice sakaling magsimula na ang political asylum ni Co, tiniyak ni Remulla na bago matapos ang aplikasyon niya para sa asylum ay makukuha na nila ang dating mambabatas.

“Six months application process kasi yan eh sometimes tumatagal,” dagdag pa ni Remulla.

Pagtitiyak niya, hindi sila tumitigil at ginagawa nila ang lahat upang makuha si Co.

Matatandaan na si Co ay naharang sa Prague, Czech Republic matapos matuklasan na walang sapat na dokumento kung saan nagpadala ang pamahalaan ng kinatawan sa naturang bansa upang iberipika ang kanyang pagkakahuli.

Pero pagdating ng opisyal ng gobyerno sa Czech Republic ay wala na sa kanilang hurisdiksyon si Co.

Kaugnay nito, inamin ni Remulla na siya ang nasabi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nahuli na si Co sa Prague pero aniya, ang impormasyon ay galing sa Bureau of Immigration (BI) sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here