MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng langis sa pagbubukas ng kalakalan nitong Lunes kasunod ng pagkabigo ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran at muling pag-igting ng tensyon sa Strait of Hormuz.
Ayon kay US President Donald Trump, tinanggihan niya ang tugon ng Tehran sa peace proposal ng Washington, na nagdulot ng panibagong pangamba sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.
Nagbanta rin ang Iran ng posibleng karahasan sa mahalagang rutang pandagat, na lalo pang nagpalala sa pangamba sa suplay ng langis.
Ang international benchmark na Brent crude para sa July delivery ay tumaas ng 2.69 porsyento at umabot sa $104.01 kada bariles.
Tumaas din ang US benchmark na West Texas Intermediate (WTI) ng 2.54 porsyento at pumalo sa $97.84 kada bariles. Dave Baluyot