Home METRO 2 ‘bigtime’ tulak dinamba sa P1.3M tobats

2 ‘bigtime’ tulak dinamba sa P1.3M tobats

55
0

ILOILO – Dalawang high-value individual (HVI) ang naaresto habang mahigit P1.32 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na anti-drug operations sa La Paz district, Iloilo City, ayon sa Iloilo City Police Office (ICPO) nitong Martes.

Unang isinagawa ang operasyon bandang 9:20 ng gabi nitong Lunes sa Barangay Nabitasan kung saan nasamsam mula kay alias “Jolan,” 30-anyos, binata at walang trabaho, ang tinatayang 140 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P952,000.

Sinundan ito ng panibagong drug sting operation pasado ala-1 ng madaling araw nitong Martes sa Barangay Baldoza na nagresulta sa pagkakaaresto kay alias “Charlie,” 38-anyos na tricycle driver, na umano’y may dalang 55 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P374,000.

Ayon sa pulisya, kapwa residente ng Barangay Sinikway sa Lapuz district ang dalawang suspek.

Sinabi ni ICPO Director Col. Wilbert Parilla na ipinapakita ng matagumpay na operasyon ang patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.

“We will intensify our operations and ensure that drug personalities are held accountable before the law. ICPO remains resolute in protecting our communities from the harmful effects of illegal drugs,” ani Parilla.

Nasa kustodiya na ng Iloilo City Police Station 2 ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here