Home METRO Lava collapse PDC naitala sa Mayon

Lava collapse PDC naitala sa Mayon

70
0

ALBAY, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang isang lava-collapse pyroclastic density current (PDC) sa Mayon Volcano nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, nagsimula ang lava effusion na may kasamang collapse PDC bandang 11:22 a.m. at nagtapos ng 11:37 a.m., na nagbuga ng plume na umabot sa 4,000 metro at napadpad sa southwest.

Nanatili ang Mayon sa Alert Level 3 o “intensified unrest.”

Sa nakalipas na 24 oras, umabot sa 3.8 km ang lava flow sa Basud Gully, 3.2 km sa Bonga Gully, at 1.6 km sa Mi-isi Gully.

Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng 35 volcanic earthquakes, kabilang ang 26 tremors na tumagal ng 7 hanggang 84 minuto, pati 350 rockfall events at pitong PDC signals.

Mayroon ding episodic minor Strombolian activity at lava fountaining mula sa summit crater, habang umabot sa average na 1,295 tonnes per day ang sulfur dioxide emissions.

Binigyang-diin ng PHIVOLCS na bawal pa rin ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone dahil sa banta ng pagguho, pagputok, lava flow, at pyroclastic density currents.

Nagpaalala rin ang ahensya sa mga residente at aviation sector na manatiling alerto dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here