Home OPINION KALIGTASAN AT KAAYUSAN SA PAGLAHOK SA RALLY

KALIGTASAN AT KAAYUSAN SA PAGLAHOK SA RALLY

60
0

ANG pagra-rally ay isang demokratikong karapatan ng mamamayan upang maipahayag ang saloobin at panawagan sa pamahalaan o iba’t ibang sektor. Kaakibat ng kalayaang ito ang napakahalagang pananagutan tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng bawat kalahok. Isang napakalaking banta ang kasalukuyang dinaranas na tag-init kaya naman hindi dapat balewalain ang ating mga safety tip bago sumama sa anomang kilos-protesta.

Mahalagang magsuot ng komportableng damit, sumbrero o cap, at magdala ng payong upang makaiwas sa matinding init ng araw o biglaang pag-ulan. Hindi rin dapat kalimutan ang pag-inom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration at heat stroke, lalo na kung magtatagal ang programa sa lansangan. Mainam ding magdala ng simpleng first aid kit, maintenance medicine, at alcohol o sanitizer para sa personal na kalinisan.

Responsibilidad din ng mga organizer na tiyakin ang maayos na crowd control, malinaw na emergency exits, at pagkakaroon ng marshals na gagabay sa mga kalahok. Dapat ay may nakahandang medical team o volunteer responders upang agad na makatulong kung may mahihilo, masasaktan, o magkakaroon ng panic sa gitna ng pagtitipon. Ang koordinasyon sa mga awtoridad at lokal na pamahalaan ay mahalaga rin upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anomang hindi kanais-nais na insidente.

Sa panig naman ng mga raliyista, mahalaga ang disiplina at pagiging mapagmatyag. Iwasan ang pagtutulakan, pakikipag-away, at anomang kilos na maaaring magdulot ng gulo o panganib sa kapwa. Tandaan na ang tunay na lakas ng isang rally ay hindi nasusukat sa sigawan o tensyon, kundi sa organisado, mapayapa, at ligtas na pagpapahayag ng boses ng mamamayan.

Ang kaligtasan at kalusugan ay dapat laging kasama sa bawat adhikain ng sambayanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here