Home NATIONWIDE P350M cash aid ipamamahaig sa 34,000 magsasaka sa Isabela na hagip ng...

P350M cash aid ipamamahaig sa 34,000 magsasaka sa Isabela na hagip ng tagtuyot

60
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit P350 milyon na emergency cash assistance para sa higit 34,000 magsasaka ng mais sa Isabela na naapektuhan ng matinding tagtuyot.

Ayon sa ahensya, umabot sa P350.22 milyon ang naipamahaging Emergency Cash Transfer (ECT) sa 34,590 magsasaka mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya kabilang ang Angadanan, Burgos, Cordon, Quezon, Reina Mercedes, Roxas, San Guillermo, at San Manuel.

Layunin ng ECT program na magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga magsasaka na lubhang naapektuhan ang pananim at kabuhayan dahil sa tagtuyot.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group, patuloy ang payout upang matiyak na walang maaapektuhang magsasaka ang hindi mabibigyan ng ayuda.

“Our priority is to provide immediate financial relief to our farmers so they can procure necessary agricultural inputs and resume their farming activities despite the challenges brought by the dry spell,” ani Dumlao.

Dagdag pa niya, lubhang nakaapekto sa sektor ng agrikultura ang halos pagkasira ng ani, kaya minamadali ng ahensya ang pamamahagi ng cash aid.

Idineklara ang Isabela sa ilalim ng state of calamity noong Marso 18 dahil sa matagal na tagtuyot na nakaapekto sa produksyon ng agrikultura at kabuhayan sa buong lalawigan.

Ayon naman sa DSWD Field Office 2 – Cagayan Valley, magbibigay rin sila ng tulong sa mga magsasaka sa Cagayan kung saan P321.79 milyon para sa 31,782 benepisyaryo ang nakatakdang ipamahagi sa susunod na linggo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here