Home NATIONWIDE Hiling na TRO sa pagpreserba sa lahat ng bersyon ng flood control...

Hiling na TRO sa pagpreserba sa lahat ng bersyon ng flood control committee report tinanggihan ng SC

53
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) na hinihiling ng tatlong abogado upang “panatilihin” ang lahat ng bersyon ng kontrobersyal na ulat ng Senate blue ribbon committee hinggil sa flood control mess.

Sa dalawang-pahinang resolusyon na inilabas noong Abril 29 na isinapubliko nitong Biyernes, Mayo 15, hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang TRO at status quo ante order na hinihiling ng mga abogado na sina Marvin Aceron, Sikini Labastilla, at Purificacion Bartolome-Bernabe sa kanilang petisyon para sa mandamus at certiorari.

Gayunpaman, ang Korte Suprema ay nag-utos kina Senador Panfilo Lacson, chairman ng blue ribbon committee, at mga miyembro ng komite na sina Juan Miguel Zubiri, JV Ejercito, at Sherwin Gatchalian na magkomento sa petisyon sa loob ng 15 araw mula sa pagtanggap ng resolusyon.

Ayon kay Aceron, isa sa mga petisyoner, ang desisyong ito ay nangangahulugan na maaari na nilang ipaglaban na ang mga legislative drafts ay hindi dapat itago sa ilalim ng “privilege” kapag ito ay nailabas na sa publiko.

Kung sakaling manalo sila, maaaring maging isang landmark precedent ito upang gawing mas accessible at bukas sa publiko ang impormasyon mula sa lahat ng sangay ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here