Home METRO Kampanya sa kaligtasan sa dagat pinalawak ng MARINA 

Kampanya sa kaligtasan sa dagat pinalawak ng MARINA 

39
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Pinalawak pa ng Maritime Industry o MARINA ang kampanya nito sa kaligtasan sa dagat matapos ang isinagawang Maritime Safety Caravan sa Regional Office Vi sa Sipalay City, Negros Occidental.

Ayon sa MARINA, mahigit 200 stakeholders, kabilang ang shipping operators, boat crew, local government units, at iba pang ahensya ng gobyerno mula sa Southern Negros Occidental, ang nakiisa.

Sa nasabing programa ,lumagda ng Memorandum of Understanding sina MARINA Regional Director Engr. Bernardo Pollo at Sipalay City Mayor Maria Gina Lizares.

Layunin ng kasunduan na palaganapin ang kultura ng kaligtasan sa dagat at pangalagaan ang kapaligirang-pandagat.

Nagsagawa rin ang MARINA ng mobile registration para sa mga shipping operators at wooden-hulled recreational boats upang mapadali ang proseso ng pagpaparehistro.

Patuloy na isinusulong ng MARINA ang kampanyang ito upang mapalakas ang kaalaman at kamalayan ng publiko hinggil sa kaligtasan at kaayusan sa sektor ng maritima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here