Home METRO PNP, Navy nakasamsam ng mahigit P566M ismagel yosi sa western Mindanao, Negros...

PNP, Navy nakasamsam ng mahigit P566M ismagel yosi sa western Mindanao, Negros region

54
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Philippine Navy at Philippine National Police (PNP) ang tinatayang mahigit ₱566 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa magkahiwalay na operasyon sa Western Mindanao at Negros Island Region, at may mga naaresto ring mga suspek.

Ayon sa Philippine Navy, dalawang magkahiwalay na operasyon noong Mayo 13 at sumunod na mga araw ang isinagawa sa Western Mindanao.

Sa unang operasyon, nasabat ang isang barko na may 2,519 cases ng foreign cigarettes na walang kaukulang dokumento. Umabot ito sa halagang ₱317.35 milyon, kasama ang mismong sasakyang-dagat na nagkakahalaga ng ₱1.2 milyon. Sakay nito ang kapitan at 13 crew members na pawang mula Maluso, Basilan.

Sa ikalawang operasyon, hinarang ng Navy ang barkong JTK Express sa bahagi ng Basilan at nakuha ang 1,400 master cases ng undocumented cigarettes na nagkakahalaga ng ₱208.94 milyon. Ang barko ay patungong Pagadian City mula Tawi-Tawi.

Kabuuang 3,916 master cases ng smuggled cigarettes na may halagang ₱526.29 milyon ang nasamsam sa dalawang operasyon. Aabot sa 21 katao ang inaresto at kakasuhan sa ilalim ng Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Isinuko ang mga nakumpiskang item sa Bureau of Customs sa Zamboanga.

Samantala, sa Negros Island Region, nasabat ng PRO-NIR ang humigit-kumulang ₱40 milyong halaga ng smuggled cigarettes at naaresto ang 10 suspek sa Basay, Negros Oriental noong Mayo 16.

Ayon sa pulisya, natunton ang operasyon matapos ang impormasyon tungkol sa pag-unload ng mga kahon ng sigarilyo mula sa isang closed van.

Natuklasan na ang mga sigarilyo ay walang tamang tax seals at health warning labels, at lumalabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Anti-Agricultural Sabotage Act.

Nakumpiska rin ang 700 master cases ng Bosqu brand cigarettes, isang 10-wheeler van, motorized banca, mga cellphone, at ilang sasakyan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga insidente habang may mga ulat din ng nadiskubreng ilegal na cigarette factory at iba pang operasyon laban sa smuggling sa Negros Occidental. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here