Home METRO Uson, rockfall ng Mayon, mas dumami sa nakalipas na 24 oras

Uson, rockfall ng Mayon, mas dumami sa nakalipas na 24 oras

41
0

ALBAY, Philippines – Mas dumami ang naitalang pyroclastic density current signals o “uson” at rockfalls sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.

Naitala ang siyam na uson at 428 rockfalls, mas mataas kumpara sa limang uson at 351 rockfalls noong nakaraang araw.

Tumaas din ang sulfur dioxide emission mula 908 tonnes noong Sabado tungong 1,771 tonnes noong Linggo.

Ayon sa PHIVOLCS, may naobserbahang lava effusion at lava flow sa Basud (3.8 km), Bonga (3.2 km), at Mi-isi (1.6 km) gullies.

Naitala rin ang 20 volcanic earthquakes kabilang ang 19 volcanic tremors na tumagal ng hanggang 127 minuto, at nakita ang mahinang crater glow at usok na kumikilos patimog-kanluran.

Napansin din ang short-term deflation ng bulkan na may kasamang inflation sa northeastern flank.

Nanatiling nasa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, na nangangahulugang may intensified unrest o magmatic unrest.

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone dahil sa banta ng rockfalls, landslides, lava flows, pyroclastic density currents, at posibleng pagsabog.

Nagbabala rin ang ahensya sa mga aircraft na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan, habang posible rin ang lahar sa panahon ng malalakas at matagal na pag-ulan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here