Home NATIONWIDE Gobyerno ‘di natutulog o nagbabakasyon sa pagbibigay ng tulong – Malakanyang

Gobyerno ‘di natutulog o nagbabakasyon sa pagbibigay ng tulong – Malakanyang

44
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na hindi nagbabakasyon at natutulog ang gobyerno kundi patuloy na nagtatrabaho para tugunan ang pangangailangan ng bawat Filipino.

Ipnahayag ito ng Pangulo sa isinagawang “Bawat Bayan Makikinabang: Makati City” event, araw ng Lunes, kung saan nakatanggap ang 23 barangay ng tig- P200,000 sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund. Kalahati ng nasabing halaga ay inilaan sa limang iskolar ng bawat barangay.

Sa kabilang dako, may 13,571 pamilya naman ang nakatanggap ng 10 kilo ng bigas sa ilalim ng local government support funds, magpapatuloy naman ito kada dalawang buwan.

“Asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan ay hindi po natutulog, hindi po nagbabakasyon, at walang ginawa kung hindi mag-isip ng paraan kung ano ang pangangailangan ng taong-bayan, kung ano ang pangangailangan ng ating mga naghihirap na mga kababayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naging talumpati nito matapos pangunahan ang distribusyon ng iba’t ibang tulong sa Makati Coliseum sa Barangay Singkamas.

““Huwag po kayong mag-alala at nandito po ang inyong pamahalaan, nandito po ang gobyerno na nag-aalalay sa inyo, na tumutulong sa inyo at tinitiyak na ang buhay po ninyo ay maging mas maginhawa,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, hinikayat din ng Pangulo ang mga presidential scholars, na nakatanggap ng P20,000, na “to make the most of the government assistance.”

Ang magandang edukasyon aniya ay regalo na hindi makukuha ng iba.

“Ang magandang edukasyon ay isang biyaya ‘yan na hindi na puwedeng kunin sa inyo. Habang buhay na ‘yan na nasa inyo. Hindi manakaw sa inyo, hindi maagaw sa inyo, hindi ito nalulusaw, hindi mawawala. Kaya take advantage of this opportunity. You are now the presidential scholars. Make the most of it. And make – study hard, work hard, and this will be something that will help you for the rest of your life.” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here