Home METRO Ina ng 4-anyos na binugbog sa Taguig, kakasuhan dahil tumangging ireklamo kinakasama

Ina ng 4-anyos na binugbog sa Taguig, kakasuhan dahil tumangging ireklamo kinakasama

89
0

MANILA, Philippines – Kakasuhan ang ina ng isang 4-anyos na batang lalaki matapos nitong tumangging magsampa ng reklamo laban sa kanyang kinakasama na umano’y nanakit sa kanyang anak sa Taguig City noong Mayo 18.

Ayon sa pulisya, maaaring sampahan ang ina ng biktima ng direktang kaso na paglabag sa section 10 paragraph A ng Republic Act 7610 ang ina dahil sa kapabayaan at pang-aabuso sa mga bata.

Gayundin, ang 28-anyos na babae na kinilala bilang suspek ay unang inaresto matapos kumalat sa social media ang video ng pananakit sa bata. Ang insidente ay kinasangkutan ng kanyang kinakasama na siya ring ina ng bata.

Nahaharap na rin ang babae sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nasa kustodiya na ng social welfare office ang bata para sa kaukulang proteksyon at tulong. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here