MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang publiko na manatiling mapagmatyag habang sinisimulan ng Senado ang pagtalakay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Lacson, ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court ay “breath of fresh air,” lalo na kung ikukumpara sa mga naganap na kaguluhan noong nakaraang linggo, kabilang ang insidente ng putukan sa loob ng Senado.
“The stark contrast between the smell of gunpowder last week and the breath of fresh air in the Senate yesterday was evident when we convened as an impeachment court after all the parliamentary procedures were strictly followed,” ani Lacson sa kanyang post sa X.
Dagdag pa niya, “May the public vigilance remain unabated.”
Sa hiwalay pang pahayag, sinabi rin ni Lacson na “Arrogance of power, like impunity, has its limits.”
Noong Lunes, Mayo 18, pormal na nag-convene ang Senado bilang impeachment court matapos matanggap ang Articles of Impeachment mula sa House of Representatives laban sa Bise Presidente.
Ang mga dokumento ay isinampa sa Senado noong Mayo 13, sa gitna ng tensyon dahil sa usapin ng posibleng pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Giit ni Lacson, mahalaga ang patuloy na pagbabantay ng publiko upang matiyak na maayos at patas ang proseso ng impeachment. RNT/MND