Home HOME BANNER STORY NBI nagsumite ng ‘findings’ sa DOJ-Ombudsman kaugnay ng Senate shooting incident

NBI nagsumite ng ‘findings’ sa DOJ-Ombudsman kaugnay ng Senate shooting incident

68
0

MANILA, Philippines – Isinumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang paunang findings sa imbestigasyon sa naganap na pamamaril sa Senado noong nakaraang linggo.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nagsumite sila ng report sa panel na binuo ng Department of Justice at Office of the Ombudsman para sa imbestigasyon sa insidente.

“The Department of Justice and the Office of the Ombudsman already created a panel to investigate,” ani Matibag.

“Today, we submitted a report, the findings of the NBI, but we reserve our right to submit additional findings,” dagdag niya.

Tumanggi si Matibag na magbigay ng iba pang detalye tungkol sa report, ngunit kinumpirma niya na bumisita ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)–NCR sa NBI main office sa Pasay City bilang bahagi ng imbestigasyon.

Nauna nang lumabas ang insidente kung saan may tensyon at pagpapaputok sa loob at paligid ng Senado, na naugnay sa mga operatiba ng seguridad at posibleng NBI personnel.

Ayon sa mga ulat, may mga barilan na nangyari matapos tanggihan ng ilang indibidwal na magbaba ng armas, dahilan para magpaputok ng “warning shot” ang Senate Sergeant-at-Arms.

Patuloy ang imbestigasyon upang alamin ang buong pangyayari at kung sino ang dapat managot sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here