Home METRO Trisikel drayber tinumba ng tandem sa Bulacan

Trisikel drayber tinumba ng tandem sa Bulacan

47
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang tricycle driver matapos barilin sa noo ng riding-in-tandem sa bayan ng Norzagaray noong tangahali ng Mayo 17.

Ayon kay PMAJ Demosthenes G. Desiderio Jr, OIC ng Norzagaray police station, kinilala ang biktimang 54 anyos, tricycle driver, residente ng Sitio Tabtab, Brgy. Poblacion.

Sa ulat ng istasyon, naganap ang insidente bandang 12:40 ng tanghali sa kahabaan ng A.Lawang St. Brgy. Poblacion.

Nabatid na isang tama ng bala sa noo ng biktima ang dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng CCTV footage sa lugar at imbestigasyon, ang rider ay nakasuot ng itim na cap, white hoodie jacket, brown shorts habang ang back rider ay may suot ng white cap, white long sleeves at khaki short na lulan ng black Yamaha Aerox.

Natukoy din ng mga pulis ang rutang dinaanan bago at matapos nangyaring pamamaril.

Dahil dito, nagsagawa ng joint hot pursuit operation ang mga intel operatives ng istasyon katuwang ang PIU Bulacan, 1st PMFC. 2nd PMFC, PIT Bulacan East at RIU3 sa Sitio Pogpog bandang 6:00 ng gabi noong Mayo 18 na nagresulta kaya nahuli ang isa sa mga suspek na 54 anyos ng nasabing lugar.

Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad para mahuli ang isa pang suspek. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here