MANILA, Philippines – Ipinagbawal ng China ang pag-aangkat ng mga baboy, wild boar, at kaugnay na produkto mula sa Pilipinas dahil sa swine flu, ayon sa inilabas na pahayag ng General Administration of Customs ng China.
Saklaw ng import ban ang mga hogs at iba pang kaugnay na produkto mula sa Pilipinas bunsod ng pangamba sa pagkalat ng sakit.
Wala pang pahayag ang Department of Agriculture kaugnay sa usapin hanggang sa oras ng paglalathala. Santi Celario