Home HOME BANNER STORY OSG sa SC: Hirit na hair follicle drug test kay PBBM, ibasura

OSG sa SC: Hirit na hair follicle drug test kay PBBM, ibasura

70
0

MANILA, Philippines – Ipinababasura ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court of the Philippines ang petisyon na naglalayong pilitin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilabas ang kanyang medical report at sumailalim sa hair follicle drug test.

Ayon sa OSG, ang petisyon ay “walang basehan” at labag sa doktrina ng presidential immunity.

“Ang petisyon ay labag sa batas dahil ang hinihinging mandato ay para lamang sa nanunungkulang Pangulo, na may immunity mula sa suit,” ani ng OSG.

Dagdag pa ng OSG, saklaw ng Data Privacy Act of 2012 ang impormasyon tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulo kaya hindi ito dapat ibunyag.

Ayon pa sa OSG, ang mga petisyoner na sina Pantaleon Alvarez at Virgilio R. Garcia ay walang legal na karapatang magsampa ng kaso dahil wala umanong ebidensya ng ilegal na paggamit ng pondo ng gobyerno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here