Home METRO 3 suspek sa murder, arestado sa Central Luzon

3 suspek sa murder, arestado sa Central Luzon

200
0

PAMPANGA, Philippines – Matagumpay na nadakip ng mga awtoridad ang tatlong (3) suspek sa magkahiwalay na insidente ng pagpatay (Murder) sa ikinasang intensified hot pursuit at follow up operations ng pulisya sa bayan ng Norzagaray at Bocaue, Bulacan.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Naaresto ng pulisya sa hot pursuit operation ang 54 anyos na suspek sa pamamaril sa isang traysikel drayber na nangyari noong May 17, 2026 sa Lawang St., Barangay Poblacion, Norzagaray.

Sa imbestigasyon, Patay ang biktima ng barilin sa ulo ng suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen, na natunton ito base sa mga backtracking ng CCTV footage sa crime scene kung saan nakilala ang suspek at masukol ito ng mga awtoridad sa Sitio Pugpog, Barangay Poblacion sa naturang lugar.

Samantala, naaresto sa follow up operation ang dalawang murder suspek sa pananaksak ng isang 40 anyos na parcel delivery rider na nangyari ang insidente nitong Martes ng gabiĀ  sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-deliver ang biktima ng parcel ng umano’y pagtulungan pagsasaksakin at barilin ang biktima Hanggang sa mapatay sa Hindi nabatid na dahilan na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Narekober din ang mga ginamit ng mga suspek sa krimen.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek na pawang mga nahaharap sa kasong Murder. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here