Home NATIONWIDE Higit 10,000 Pilipino naiuwi mula MidEast — DMW

Higit 10,000 Pilipino naiuwi mula MidEast — DMW

33
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 10,129 Pilipino ang na-repatriate mula sa Middle East dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Batay sa datos noong Mayo 24, kabilang sa mga naiuwi ang:

-7,988 OFWs

-1,779 dependents ng OFWs

-362 stranded Filipinos

Isinagawa ang repatriation sa tulong ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), mga embahada ng Pilipinas, at Philippine Consulate General.

Bukod sa repatriation, sinabi ng DMW na nakapagbigay na rin sila ng tulong sa 34,188 OFWs at iba pang apektadong Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr..

Kabilang sa mga naipamahaging ayuda ang:

-food assistance sa 23,345 katao

-transport assistance sa 7,697

-shelter assistance sa 2,491

-medical assistance sa 2,427

Ayon pa sa DMW at OWWA, umabot na sa 70,148 onsite services ang kanilang naibigay para sa mga OFW at kanilang pamilya bilang bahagi ng welfare at support programs.

Patuloy rin umano nilang pinalalakas ang reintegration at welfare programs upang matiyak ang ligtas na pag-uwi at maayos na pagbabalik ng mga OFW sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here