Home TOP STORIES Iran deal ‘di minamadali ni Trump; US blockade sa Strait of Hormuz,...

Iran deal ‘di minamadali ni Trump; US blockade sa Strait of Hormuz, nananatili

35
0

WASHINGTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump noong Linggo na pinayuhan niya ang kanyang mga kinatawan na huwag madaliin ang anumang kasunduan sa Iran, habang pinalalampas ng kanyang administrasyon ang pag-asang malapit nang magkaroon ng breakthrough sa tatlong buwang giyera.

Sa isang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na mananatili ang blockade ng US sa mga barkong Iranian sa Strait of Hormuz “in full force and effect until an agreement is reached, certified, and signed.”

“Both sides must take their time and get it right,” dagdag niya.

Wala pang tugon ang gobyerno ng Iran, ngunit sinabi ng Tasnim news agency na kaakibat ng Revolutionary Guards na patuloy na hinaharang ng US ang ilang bahagi ng posibleng kasunduan, kabilang ang kahilingan ng Tehran na palayain ang frozen funds.

Ayon sa isang senior US official, hindi pipirmahan ang anumang kasunduan sa Linggo dahil hindi pa mabilis kumilos ang sistemang Iranian. Gayunman, sinabi niyang may “in principle” na pag-usad sa ilang punto ng negosasyon, kabilang ang pagbubukas ng Strait of Hormuz kapalit ng pag-alis ng US naval blockade at pag-aalis ng Iran ng highly enriched uranium.

Nagkakaiba pa rin ang dalawang panig sa ilang isyu tulad ng nuclear program ng Iran, sanctions, at kontrol sa langis at pondo ng bansa.

Samantala, bumagsak ang presyo ng langis ng higit 4% matapos kumalat ang balita ng posibleng kasunduan, ngunit nananatiling mataas ang tensyon dahil hindi pa tiyak ang final deal.

Ayon sa mga kritiko sa US, ang posibleng kasunduan ay halos kahalintulad lamang ng 2015 Iran nuclear deal na unang iniwan ni Trump noong kanyang unang termino.

Patuloy namang ipinagtatanggol ni Trump ang kanyang posisyon at sinabing magiging “good and proper” ang anumang deal na kanyang papasukin.

“Don’t listen to the losers, who are critical about something they know nothing about,” sabi niya sa Truth Social. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here