MANILA, Philippines – Kailangan ang pagpapalit ng liderato ng Senado para masolusyunan ang pagkakahati ng mga senador, ayon sa isang political science professor sa panayam ng ANC nitong Biyernes, Mayo 29.
“Under conditions of this very dangerous polarization, I think it needs to depolarize. It needs to have some bipartisan, or this divide needs to be transcended,” sinabi ni political scientist at professor Aries Arugay sa panayam ng ANC.
“I think a change of leadership is necessary because a new leader would be able to realign the senators towards acting in concert rather than acting in rival factions,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Arugay na ang mga senador ay dapat na “transcend their perspective” and think about the people “they are supposed to be serving.”
Matatandaan na nagpalit ang liderato kung saan pinalitan ni Senador Alan Peter Cayetano si Senador Vicente Sotto III noong Mayo 11.
Ilang araw lamang matapos nito ay binulabog ng barilan ang Senado na sinundan ng pag-alis sa bisinidad ng Senado ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na wanted ng International Criminal Court.
Hanggang ngayon ay hindi tukoy kung nasaan si Dela Rosa.
Kasunod ng pag-alis ni Dela Rosa ay nahati ang majority bloc sa 12 miyembro at ang minority naman ay 11 miyembro na patuloy sa pagsulong kay Senador Sherwin Gatchalian na maging Senate president.
Noong Martes ng gabi ay nag-walk out ang minorya sa sesyon ng plenaryo matapos na igiit ng majority na pag-usapan ang pag-amyenda sa Senate rules na payagan ang mga senador na bumoto offsite sa pamamagitan ng electronic platforms.
“I think someone that could provide new directions, someone that could rally the senators, I think it’s important.”
“I think the Senate needs to move forward with unified purpose, because if not, we’re going to see more episodes of this, what seemingly to be a political drama that is unfolding,” dagdag pa niya. RNT/JGC