MANILA, Philippines – Ipapatawag na ng Department of Justice (DOJ) ang ilang miyembro ng media kaugnay sa imbestigasyon sa nangyaring barilan sa Senado noong Mayo 13, 2026.
Ayon sa DOJ, naglabas na ng subpoena para maimbitahan ang mga mamamahayag na nagkober o nasa loob ng Senado nang mangyari ang insidente.
Sinabi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, tutukuyin sa isasagawang imbestigasyon kung makakatulong ang kanilang mga nakita at nalalaman sa fact finding investigation na isinasagawa ng binuong special panel of prosecutor.
Sa nabanggit na petsa, nagkaroon ng palitan ng putok ang mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms at National Bureau of Investigation (NBI) kasunod ng ulat na tangkang pag-aresto kay Senator Bato Dela Rosa matapos maisyuhan ng warrant of arrest ng International Criminal Court o ICC. Jocelyn Tabangcura-Domenden