Home NATIONWIDE $10B trade target isinusulong ng PH, Vietnam; agri ties palalakasin din

$10B trade target isinusulong ng PH, Vietnam; agri ties palalakasin din

31
0

MANILA, Philippines – KAPUWA nagpahayag ng kahandaan ang Pilipinas at Vietnam para palawigin ang bilateral trade na lampas sa kanilang USD10-billion target habang pinalalakas ang pagtutulungan sa agrikultura, manufacturing, at umuusbong na mga industriya.

Sa katunayan, nagdaos ng bilateral talks sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vietnamese President To Lam sa Palasyo ng Malakanyang habang pinaiigting ng dalawang bansa ang kanilang relasyon sa isang “enhanced strategic cooperation,” hudyat ito ng mas malaliim na commitment para paghusayin ang pagrtutulungan sa mga pinakamahalagang larangan gaya ng “defense, trade, at people-to-people exchanges.”

Winika ng Pangulo na ang dalawang bansa ay committed sa mas balanse at investment-friendly economic relationship, partikular na sa green technology, manufacturing, at digital economy.

Aniya pa, ang Vietnam ang 11th largest trading partner ng Pilipinas at layon ng dalawang bansa na mas paghusayin pa ang kondisyon para sa two-way investments.

“Agriculture remains a vital cornerstone of our Enhanced Strategic Partnership,” ani Pangulong Marcos.

“Moving forward, we are opening new pathways for our collaboration in agribusinesses, seafood processing, and joint scientific research for climate-resilient farming to ensure food security for both our peoples,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here