Home NATIONWIDE Chinese structure sa Bajo de Masinloc biniberipika ng Nat’l Task Force for...

Chinese structure sa Bajo de Masinloc biniberipika ng Nat’l Task Force for WPS

4
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Task Force for the West Philippine Sea ang mga ulat hinggil sa umano’y bagong istrukturang namataan sa Bajo de Masinloc.

Nagsasagawa na rin ng validation at assessment ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan gamit ang monitoring, surveillance, at iba pang operational mechanisms upang matukoy ang katumpakan ng ulat.

Mahigpit din ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno para sa komprehensibo at batay sa katotohanang pagsusuri sa sitwasyon.

Binigyang-diin din ng NTF-WPS ang kahalagahan ng pakikinig lamang sa mga opisyal na impormasyon habang nagpapatuloy ang beripikasyon.

Nanindigan naman ang pamahalaan na patuloy nitong poprotektahan ang soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea alinsunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 Arbitral Award. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here