Home NATIONWIDE Manila Bay coastal clean-up isinagawa ng Pasay LGU sa paggunita ng World...

Manila Bay coastal clean-up isinagawa ng Pasay LGU sa paggunita ng World Environment Day

2
0

MANILA, Philippines – Ikinasa ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pagpapalawig ng dedikasyon sa pagprotekta ng coastal at marine ecosystems sa pamamagitan ng patuloy na proyekto ng paglilinis sa kahabaan ng Manila Bay kaugnay sa paggunita ng World Environment Day.

Sa paggunita ng World Environment Day ngayong taon na may temang #NowForClimate, panawagan ito ng agarang environmental challenges na kinahahararap ngayon ng komunidad tulad ng pagbabago ng klima partikular sa lungsod ng Pasay kung saan malimit malakas ang buhos ng ulan at palagiang binabaha ang mga lugar sa lungsod.

“World Environment Day reminds us that protecting our environment requires consistent action. Every cleanup drive helps protect Manila Bay, reduces flooding risks, and brings us closer to our vision of a cleaner and more climate-resilient Pasay,” ani Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa pagdeklara ng PAGASA ng panahon ng tag-ulan, hindi nagpapabaya ang lokal na pamahalaan Pasay sa pagsasagawa ng coastal at estero cleanup bilang pamamaraan ng frontline flood-prevention na naglilinis ng daloy ng tubig sa mga waterways at shorelines bago pa man bumuhos ang malakas na ulan.

Ayon kay Calixto-Rubiano, sa unang quarter pa lamang ng kasalukuyang taon, ang inisyatibong paglilinis ng lungsod na nilahukan ng libu-libong indibidwal ay nagresulta ng pagtatanggal ng mahigit 455 tonelada ng basura na nakuha sa mga shorelines at waterways na itinuturing na isa sa pinakamalaking bilang na nahakot ng sinumang local government unit (LGU) sa kahabaan ng Manila Bay.

Bilang isang coastal city na dinadaanan ng mga marine debris at dinadaluyan ng tubig ulan bago pa man makarating sa Manila Bay, ang lungsod ng Pasay ay nagsasagawa ng year-round cleanup operations upang patuloy ang maayos na daloy ng tubig at di mabarahan ng mga debris ang drainage systems at esteros na maaaring magdulot ng baha sa lungsod.

“Protecting Manila Bay is a shared responsibility, and Pasay is proud to be doing its part in creating cleaner coastlines,” ani pa ni Calixto-Rubiano.

Sa inisyatibong coastal clean-up ng Manila Bay sa pagsisikap ng mga volunteers at private sector partners tulad ng SM Prime Holdings Inc., (SM Prime) at Pasay Harbor City Corporation (PHCC) ay sumasalamin ito bilang isang pang matagalang bisyon upang maging Pasay Eco City sa mga darating na henerasyon.

Idinisenyo mula sa lupa hanggang sa advanced waste management systems, expanded green at open spaces, gayundin sa climate-resilient urban infrastructure, ang Pasay Eco City ay nagrerepresenta sa lungsod para sa malinis, ligtas, at mas matatag na kinabukasan. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here