Home HOME BANNER STORY Higit 2,000 aftershocks naitala matapos M7.8 lindol sa Mindanao

Higit 2,000 aftershocks naitala matapos M7.8 lindol sa Mindanao

4
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 2,023 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hanggang alas-7 ng umaga nitong Miyerkules kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Ayon sa PHIVOLCS, 528 sa mga aftershocks ang natukoy ang lokasyon, habang 47 naman ang naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar.

Naitala ang lakas ng mga aftershock mula magnitude 1.3 hanggang magnitude 6.4.

Ang datos ay mula sa General Santos Seismic Station at Don Marcelino Seismic Station sa Davao Occidental.

Patuloy namang mino-monitor ng PHIVOLCS ang aktibidad ng lindol at pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto dahil posible pa ang mga kasunod na pagyanig. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here