Home HOME BANNER STORY LRMC mag-aalok ng libreng sakay sa LRT 1 sa Hunyo 12

LRMC mag-aalok ng libreng sakay sa LRT 1 sa Hunyo 12

3
0

MANILA, Philippines – Mag-aalok ng libreng sakay sa mga komyuter sa mga piling oras ang Light Rail Manila Corporation o LRMC, ang pribadong operator ng Light Rail Transit Line 1 o LRT -1 sa ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan o June 12.

Ayon sa LRMC, ang libreng sakay sa LRT-1 ay mula 7 ng umaga hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Kilala bilang Heritage Line, ang LRT-1 system ay dumadaan ito sa mga pangunahing makasaysyaang lugar at destinasyon  sa Metro Manila.

Layunin ng libreng sakay na gawing mas madali para sa publiko ang pagsali sa mga pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at pagbisita sa mga kultura at tourist spots malapit sa mga estasyon para mulling makakonekta ang mga Pilipino sa mayamang kasaysayan ng bansa.

Ayon pa sa LRMC, ang mga pasaherong gagamit ng Single Journey Tickets ay pupunta sa teller booths para kumuha ng libreng tiket.

Sa Araw ng Kalayaan, susunod ang LRT-1 sa holiday operating schedule nito. Ang unang tren ay naka-schedule na umalis mula sa Dr.Santos at Fernando Poe Jr station nang 5 ng umaga 

Para naman sa hauling byahe ng nasabing araw, aalis ang hauling tren mula Dr.Santos Station nang 9:30 nggabi habang ang hauling tren mula Fernando Poe Jr Station ay aalis nang 9:45 ng gabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here