Home TOP STORIES Ipilan Nickel, patuloy na tumutupad sa reforestation mandates; muling pinagtibay ang commitment...

Ipilan Nickel, patuloy na tumutupad sa reforestation mandates; muling pinagtibay ang commitment sa environmental protection sa Palawan

29
0

Tiniyak ng Ipilan Nickel Corporation (INC) na matatag at pangmatagalan ang kanilang pagtalima sa pangangalaga ng kalikasan sa Palawan sa pagsusulong ng operasyon na may kaakibat at malawakang inisyatibo sa restoration at ecological balance.

Pinapatunauan nila ang kanilang dedikasyon sa kalikasan at sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng transparent accountability at mahigpit na pagpapatupad ng environmental safeguards sa kanilang operasyon.

Kinikilala rin ng INC na ang Special Tree Cutting and Earth Balling Permits (STCEP) na iniisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) MIMAROPA ay higit pa sa mga regulatory approvals; sa halip, itinuturing ng kumpanya ang mga permit na ito bilang binding frameworks para sa accountability, na may kaakibat na obligasyon para sa reforestation at rehabilitation na mahalagang bahagi nang operasyon.

Tinatanggap ng INC bilang mandato at hindi bilangbarministrativr otder ang pagtiyak na ang bawat operational milestone ay tinutumbasan ng patuloy na pagtalima sa pangakong protektahan, ibalik, at payabungin pa ang likas na yaman ng Palawan.

Sa pamamagitan ng konkretong mga resulta, gaya ng matagumpay na restoration ng 3,359.62 hectares sa Salogon, Maasin, at Balabac, nagtakda ang INC ng bagong benchmark sa environmental management sa pamamagitan ng paglalaan ng Php 160,241,083.43 sa komprehensibong reforestation efforts.

Ang dedikasyong ito sa ecological preservation ay makikita rin sa makabagong preservation techniques, kung saan mula sa 41,393 na puno sa ilalim ng mga aprubadong permit, matagumpay na naisagawa ng INC ang earth balling sa 30,399 na mga punong maaari pang itanim muli.

Ang partikular na pagsisikap na ito para matiyak na ligtas na maililipat ang mga puno ay pinondohan ng mahigit Php 4.36 milyon. Kasabay ng restoration efforts na ito, pinananatili ng INC ang mataas na pamantayan ng resource stewardship sa pamamagitan ng bukas na pakikipagtulungan sa mga kinauukulan, kung saannakapag-donate ito ng 47,024.94 board feet ng lumber at karagdagan pang 25,000 board feet sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at community facilities para matiyak na ang ganitong cleared resources ay direktang mapakikinabangan pa ng marami.ng mahigpit na environmental standards, nananatiling tapat ang INC sa pagtupad nang higit pa sa mga itinakda ng mandato ng gobyerno at sa pagiging kaagapay sa pangangalaga sa kalikasan sa Palawan. At dahil ang bawat bahagi ng operasyon ay nakabase sa siyensya, sinisiguro ng kumpanya na ang presensya nito sa lalawigan ay mananatiling nakatuon sa pangmatagalang proteksyon ng kalikasan.

Ang mga inisyatibong pangkalikasan na ito ng INC ay hindi mahihiwalay sa iba’t ibang social commitments na naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay sa mga komunidad sa mga impact at non-impact barangays sa Brooke’s Point, pati na rin sa mga karatig-bayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng family-based approach sa rehabilitation, nakipagtulungan ang kumpanya sa 296 na pamilya at iba’t ibang local

People’s Organizations, gaya ng Sitio Abubakar Coconut Farmers Association at Bulho Farmers Association, na naglalayong gawing pangunahing tagapagsulong ng lokal na ekonomiya ang ecologi CV al restoration.

Habang patuloy na isinasagawa ang mga operasyon sa ilalim ng mahigpit na environmental standards, nananatiling tapat ang INC sa pagtupad nang higit pa sa mga itinakda ng mandato ng gobyerno at sa pagiging kaagapay sa pangangalaga sa kalikasan sa Palawan. At dahil ang bawat bahagi ng operasyon ay nakabase sa siyensya, sinisiguro ng kumpanya na ang presensya nito sa lalawigan ay mananatiling nakatuon sa pangmatagalang proteksyon ng kalikasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here