MANILA, Philippines – Isang sunog ang sumiklab sa Valenzuela Gateway Complex (VGC) nitong Huwebes ng umaga at umabot sa third alarm, ayon sa Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP NCR).
Ayon sa paunang ulat ng BFP NCR, naapektuhan ng sunog ang isang commercial area sa transit hub sa Paso de Blas, Valenzuela City.
Umabot sa third alarm ang sunog bandang 5:59 a.m., na nangangahulugang kailangan ng hindi bababa sa 12 fire trucks para tumugon sa insidente.
Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP NCR ang sanhi ng sunog, gayundin ang posibleng bilang ng mga nasugatan at kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/MND