Home METRO DPWH: Alaminos–San Pablo bypass road target matapos bago magtapos ang taon

DPWH: Alaminos–San Pablo bypass road target matapos bago magtapos ang taon

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos na bago magtapos ang taon ang matagal nang naantalang Alaminos–San Pablo Bypass Road sa Laguna.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, matapos niyang inspeksyunin ang proyekto, target nilang maipasa ito sa Disyembre.

“By December tapos ito,” ani Dizon.

Ang halos 13-kilometrong kalsada na nagkakahalaga ng ₱2.8 bilyon ay sinimulan pa noong 2016 ngunit hindi pa rin natatapos makalipas ang halos isang dekada.

Aminado si Dizon na malaking bahagi ng pagkaantala ay dahil sa dating kontratista na konektado sa kontrobersyal na Discaya couple, na umano’y 15% lamang ang nagawa sa proyekto.

“Terminated na. Mag-aaward na tayo ng bagong kontratista… sisigurahin ko mismo mayor na maayos at mabilis ang gawa,” dagdag niya.

Dagdag pa rito, may mga isyu rin sa right-of-way kung saan nasa 353 metro pa ang hindi pa naipapagawa dahil hindi pa ganap na nababayaran ang mga apektadong may-ari ng lupa. Tiniyak ng DPWH na may nakalaang pondo na para rito at agad na babayaran ang mga landowner.

Ayon kay Dizon, kapag natapos ang proyekto, mababawasan ng hanggang isang oras ang travel time papuntang Quezon at Bicol at makakatulong din ito sa pagpapaluwag ng trapiko sa Maharlika Highway.

Nagpasalamat naman si San Pablo City Mayor Najie Gapangada Jr. sa mabilis na aksyon ng pamahalaan at sa inaasahang benepisyo ng proyekto para sa ekonomiya at mga motorista. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here