Home METRO Kelot utas sa suwag ng bus

Kelot utas sa suwag ng bus

3
0

PANGASINAN, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang 32-anyos na lalaki matapos mabangga ng isang bus ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Coliling, San Carlos City ng lalawigang ito nitong madaling-araw ng Lunes, Hunyo 15.

Ayon sa San Carlos City Police Station, ang driver ng Yamaha Mio i 125ay residente ng Calasiao, Pangasinan samantalang ang 44-anyos na driver ng kulay white/red na five-star bus ay residente naman ng Binmaley, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga naturang sasakyan ay parehong bumibiyahe  sa Provincial Road sa nabanggit na lugar.

Papuntang silangan ang bus samantalang papunta naman ng opposite direction  ang motorsiklo.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, aksidenteng nasakop ng bus ang kabilang lane na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Bumaligtad sa kalsada ang motorsiklo kasama ang driver.

Ang driver ng motorsiklo ay nagtamo ng mga fatal injury sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad na isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng bus. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here