BULACAN, Philippines – Arestado ang isang lalaking nangyakap umano ng babaeng naglalakad sa kalsada ng Brgy. Tikay, lungsod ng Malolos nitong Hunyo 13.
Sa ulat ng Malolos police station, ang suspek na si alyas “Boy Yakap”, 42 anyos habang ang biktima ay pawang 21 anyos.
Ayon sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang ina ay nilapitan ito ng suspek at biglang niyakap ng walang pahintulot.
Dahil dito, humingi ng tulong ang kanyang ina sa Brgy. Hall na agad rumesponde ang mga Tanod sa lugar kaya napigil ang suspek at isinuko sa pulisya.
Nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act habang nasa kustodiya ng istasyon.
Pinaalalahanan ng Malolos police ang publiko na igalang ang personal na espasyo at karapatan ng bawat isa at agad i-report sa mga awtoridad ang anumang uri ng harassment o pang-aabuso. (Dick Mirasol III)