Manila, Philippines – Not only is Emma Tiglao a beauty queen, busilak din ang kanyang puso.
Nitong nakaraan, isa si MGI 2026–along with her friend Daiana Menezes–sa nag-live selling ng kanyang pre-loved personal items.
Ito’y bilang tulong sa mga biktima ng 7.8 magnitude na tumama sa Southern Mindanao.
Ipinost ni Daiana sa kanyang social media account ang live selling nila ni Emma.
Game na game ang dalawang girls habang hawak-hawak pa ang mga ibinebentang damit.
“Live selling para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao. Go to our Facebook and orderl” paanyaya ng Brazilian beauty.
Successful naman ang kanilang fund drive dahil ayon na din kay Daiana ay nakalikom sila nang mahigit P10k.
Sey niya: “Thank you po! Naka-Php 10k+++ para sa mga victims ng lindol. Impromptu live selling namin ni @emmatiglao…Marami pa po kaming ibebenta para sa tulong po.