Home NATIONWIDE 8 utas sa pagbulusok ng US B-52 bomber sa California

8 utas sa pagbulusok ng US B-52 bomber sa California

3
0

CALIFORNIA – Bumagsak ang isang U.S. Air Force B-52 Stratofortress bomber ilang sandali matapos itong mag-takeoff mula sa Edwards Air Force Base sa Mojave Desert sa Southern California noong Lunes, ayon sa U.S. Air Force.

Ayon sa base, naganap ang insidente dakong 11:20 a.m. sa loob ng airfield. Agad namang rumesponde ang mga emergency crew habang nagpapatuloy ang operasyon sa lugar.

Sa mga kuha mula sa himpapawid, makikita ang sunog at umuusok na bahagi ng disyerto na halos kasinlaki ng isang football field. Wala namang agad na nakitang malalaking bahagi ng bumagsak na eroplano sa lugar ng insidente.

Wala pang inilalabas na impormasyon ang Air Force hinggil sa bilang ng mga sakay, kung may mga nakaligtas, at kung ano ang misyon ng eroplano bago ito bumagsak. Karaniwang may limang tripulante ang B-52 bomber.

Ang B-52 Stratofortress, na ginawa ng Boeing, ay isa sa pangunahing long-range strategic bombers ng militar ng Estados Unidos. Kaya nitong magdala ng nuclear at conventional weapons at magsagawa ng iba’t ibang operasyong militar, kabilang ang strategic attack at maritime operations.

Ayon sa Bureau of Aircraft Accidents Archive, ito ang unang pag-crash ng isang B-52 Stratofortress mula nang bumagsak ang kaparehong uri ng bomber sa Guam noong Mayo 2016. Nakaligtas noon ang lahat ng pitong tripulante.

Hindi pa nagbigay ng karagdagang detalye ang Air Force at Pentagon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here