Home METRO Higit P6.1-M ismagel na yosi nasamsam sa Zamboanga; 3 arestado

Higit P6.1-M ismagel na yosi nasamsam sa Zamboanga; 3 arestado

3
0

ZAMBOANGA – Nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mahigit P6.1 milyong halaga ng umano’y smuggled cigarettes at naaresto ang tatlong katao sa magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga noong Hunyo 11 at 13.

Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Robert Morico II, dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Barangay Baclay, Tukuran, Zamboanga del Sur kung saan nakumpiska ang 50 master cases ng sigarilyo na umano’y walang kinakailangang graphic health warnings. Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng P2.85 milyon.

Ipinaalala ni Morico na sa ilalim ng Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law, kinakailangang may malinaw at larawan-based na health warnings ang lahat ng tobacco products upang maipabatid ang panganib ng paninigarilyo.

Sa hiwalay namang operasyon noong Hunyo 13 sa Barangay San Roque, Zamboanga City, isang lalaki ang naaresto habang nagdadala umano ng 22 master cases ng iba’t ibang uri ng sigarilyo na walang kaukulang customs permits at Bureau of Internal Revenue tax stamps.

Tinatayang nagkakahalaga ng P3.24 milyon ang mga nakumpiskang sigarilyo.

Binanggit din ni Morico ang Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, na naglalayong protektahan ang kita ng pamahalaan, pigilan ang customs fraud at iba pang ilegal na aktibidad, at gawing moderno ang customs administration.

Tiniyak ng CIDG na magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa mga sangkot sa kalakalan, distribusyon at paggawa ng mga iligal, substandard at smuggled cigarettes sa bansa. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here